Quotes

Webfetti.com

Webfetti.com

i am a muslimah

Wednesday, March 19, 2008

jabidah massacre, 40 years after






apat-napung taon po ang matuling lumipas ng maganap and di maililimutang pangyayari sa kasaysayan ng bangsamoro, kung saan pinaniniwalaang mahigit 26 ng kabataang moro ang walang kalaban labang minasaker, ito po ay naganap noong ika-labing walo ng marso taong 1968, ito pong pangyayaring ito ang pumukaw at nagsilbing mitsa para mag aklas ang mga kabataang moro laban sa rehimeng marcos. ngunit magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin po nakakamit ang hustisya ng mga pamilya at mga kaanak pati na ng nag iisang nakaligtas, Si JIBIN ARULA.

eksaktong ikaapat-napung taon po, tumulak po ang BANGSA kasama po ang Anak MIndanao NCR, PINK, Mindanao Forum Kasama po ang ibang delegado mula sa MIndanao, binalikan po namin ang lugar kasama ang nag iisang nakaligtas, kung saan naganap ang mga pangyayari.

Bakas na bakas po sa mga mata ni Bapa Jibin Arula ang pananariwa sa mga pangyayari. ikinuwento nya po sa lahat kung saan at paano ang mga pangyayari.


sa pangunguna po ng Anak Mindanao naglagay po ng commemorative marker ang grupo para maiukit po sa kasaysayan ang mga pangyayaring ito, di po lingid sa ating kaalaman na magpahanggang ngayon po ay ayaw pa ring tanggapin ng ating mga kinauukulan na masaker nga ang naganap.

Sana po ay manatili po tayong maghangad ng hustisya, manatili po tayong sumigaw para sa ating kasarinlan.